Standings W L
Benilde 7 1
LPU 7 2
JRU 5 2
San Beda 6 3
Letran 6 3
Perpetual 4 5
Arellano 4 5
SSC-R 2 5
Mapua 1 8
EAC 0 8
Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
3 p.m. – SSC-R vs EAC
SISIKAPIN ng San Sebastian na putulin ang four-game losing streak sa pagharap sa Emilio Aguinaldo College sa NCAA men’s basketball tournament ngayong Biyernes sa Filoil EcoOil Centre.
Ang Stags ay may average losing margin na 5.5 points sa naturang slump.
Galing sa 79-82 overtime loss sa Lyceum of the Philippines University noong Linggo, pipilitin ng San Sebastian na isantabi ang nasabing kabiguan sa 3 p.m. game.
“I’m hoping we could have a better end game execution and decision makings. That’s our main concern right now,” sabi ni Stags coach Egay Macaraya. Matapos ang impresibong preseason performance na naglagay sa kanila bilang isa sa mga paborito, ang Stags ay biglang nahulog sa lower half ng standings.
May 2-5 record, ang San Sebastian ay naghahabol ng tatlong laro sa San Beda at Letran, kapwa may 6-3 kartada, sa karera para sa huling Final Four berth.
Ang Generals, may 0-8 marka, ay naghahangad ng panalo na tiyak na magpapataas sa kanilang morale papasok sa second round.
“Every team in this season has always have a chance to win, we will just focus on stopping EAC and match their intensity and hoping the end result is for us,” sabi ni Macaraya.