NAGTALAGA ng apat na government czars ang pamahalaan upang matutukan ang lahat ng aspeto ng paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, si BCDA President Vince Dizon ang testing czar, tracing czar naman si Baguio City Mayor Benjamin Magalong, isolation czar si DPWH Secretary Mark Villar at treatment czar si DOH Usec. Bong Vega.
Sa panig ni Dizon, nasa 85 na aniya ang testing laboratories sa iba’t-ibang panig ng bansa kaya’t posibleng maabot na ang target na isang milyong tests sa kalagitnaan ng Hulyo.
Kumikilos naman ang grupo ni Villar para madagdagan pa ang 129 na quarantine facilities o evacuation centers sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ikinakasa naman ni Magalong ang skills training para sa mga contact tracer at magkakaroon ng contact tracing e-system na gagamit ng data collection tools, geographic information system at link analysis.
Samantala, si Vega ang naatasang mag-monitor sa mga ospital upang matiyak na sapat ang kapasidad ng mga ito para sa dumaraming kaso ng COVID-19. DWIZ882
Comments are closed.