SULTAN KUDARAT-APAT na public school teachers na sinasabing nagkaroon ng close contact sa kasamahan nitong guro na namatay dahil sa COVID-19 ang pina-isolate sa bayan ng Isulan sa lalawigan ito kahapon.
Ayon sa Isulan Municipal Health Office, kasalukuyang isinasagawa ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng gurong namatay sa COVID19.
Gayunpaman, lahat ng mga kamag-anak ng apat na mga guro ay negatibo naman sa isinagawang COVID-19 rapid test.
Hindi na tinukoy kung saang paaralan sa Isulan nagkaroon ng possible local transmission.
Sa kasalukuyan, tumanggi munang magbigay ng statement ang DepEd 12 Regional office kaugnay sa nasabing insidente. MHAR BASCO
Comments are closed.