4 HIGH POWERED FIREARMS ISINUKO NG BRGY OFFICIALS

TAWI-TAWI- APAT na matatas na kalibre ng armas ang isinuko ng Barangay officials ng Lookan Banaranan, Sapa-Sapa, sa Joint Task Force Tawi-Tawi.

Ayon kay AFP- Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan, isang M16, dalawang Garand at isang Carbine ang tinurn-over ng Barangay officials sa mga operatiba ng Philippine Marines.

Isinuko rin ng mga ito ang apat na short at isang long magazines ng M16, dalawang clips para sa Garand, isang magazine para sa Carbine, 22 rounds ng 5.56mm live ammunition, 14 rounds ng 30mm live ammunition, at anim na rounds ng 7.69mm live ammunition.

Hinangaan naman ni Vinluan ang ginawa ng mga barangay official na naglalayun ng kapayapaan sa lugar.

Ayon naman kay MBLT-6 Commanding Officer Lt. Col. Benjie Pendon, ang mga nasabing armas ay isinuko ng isang Abduljim Kusasi, Altriki Yusoph, Renaldo Mabini, kasama si Lookan Barangay Chairman Ronald Shalim.

Sinabi ni Pendon, ang pagsuko sa mga nasabing loose firearms ay resulta sa serye ng mga dayalogo na kaniyang pinangunahan sa pakikipag-ugnayan sa mga local officials sa lugar.

Pinatitiyak naman ni Joint Task Force Tawi-Tawi Commander, Col. Romeo Racadio sa lahat ng Philippine Marine units sa lugar na paigtingin pa ang kampanya laban sa loose firearms lalo at nalalapit na ang 2022 national elections.

Isinagawa ang turn-over sa mga loose firearms sa Barangay Hall ng Lookan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng 36th Marine Company ang mga isinukong mga loose firearms.

5 thoughts on “4 HIGH POWERED FIREARMS ISINUKO NG BRGY OFFICIALS”

Comments are closed.