4 HOLDAPER BULAGTA SA MGA PULIS

patay

PAMPANGA – DEAD on the spot ang apat na hinihinalang holdaper nang makipagsagupa umano ang mga ito sa alagad ng batas sa lalawigang ito.

Ayon sa Apalit  Municipal Police Station, naganap ang sagupaan sa Barangay San Vicente sa bayan ng Apalit kahapon ng umaga.

Ayon sa mga pulis,  rumesponde lamang sila sa tawag ng isang concerned citizen hinggil sa ginawang panloloob sa convenience store sa Sitio Sampanga ng naturang barangay.

Nakatakas na ang mga suspek sakay ng isang pulang AUV papunta sa direksiyon ng bayan ng Macabebe.

Tumugon naman ang mga elemento  ng PNP-2nd Provincial Mobile Force Company at nang makita ang sasakyan ng mga suspek sa Sitio Caldera, Barangay Sulipan matapos makatanggap ng flash alarm ay tinangkang pahintuin ang mga  ito.

Subalit sa halip na huminto ay nagpaputok ng baril ang mga sakay ng sasakyan sa direksiyon ng nakaharang na blocking team.

Doon na gumanti ng putok ang mga pulis na ikinasawi ng apat.

Nakuha sa lugar ang dalawang 45 cali­ber pistols, isang 9mm pistol, at ang sasakyang ginamit ng mga suspek at hindi pa matukoy na halaga ng pera.

Inaalam pa rin ang pagkakakilanlan ng mga napatay na lalaki. VERLIN RUIZ

Comments are closed.