CEBU – APAT sa siyam na miyembro ng umano’y Martilyo Gang ang nasawi makaraang holdapin ang mga jewelry shop sa loob ng JCenter Mall sa Mandaue City.
Sinasabing makaraang rumesponde ang pulisya at nadakip ang grupo, ihahatid na sana sila sa Bogo City Police Station subalit nang-agaw ng baril ang mga ito.
Kasama sa pagbiyahe o paghatid sa mga suspek ay ang mga tauhan ng Regional Special Operations Task Group sa Central Visayas (RSOTG-7).
Dito nagkaroon ng komosyon kaya walang nagawa ang mga pulis kundi paputukan ang mga ito kaya apat sa kanila ang umano’y napatay habang lima ang arestado.
Bago ang insidente, ayon sa ulat ng Bago City Police Office, una nilang naispatan at inaresto ang mga suspek na pinaniniwalaang sangkot sa pangho-holdap sa nasabing mall pasado alas-8:00 ng gabi noong Sabado kung saan hindi pa batid ang halaga ng mga alahas na nilimas ng mga suspek sa tatlong stall sa ground floor ng mall.
Ang pagdakip sa mga suspek, ayon pa sa ulat ng Bogo City Police Office ay base sa deskripsiyong inilabas ng Mandaue City-PNP hinggil sa mga suspek na holdaper na naispatan ng mga tauhan ng Bogo City police sa pantalan ng nasabing lungsod.
Tatlo sa mga napaslang ay sina Kevin Andales, Wilfredo Enguito, Philip Taborada, at Glen Tairos. PMRT
Comments are closed.