4 HULI SA P3.5-M SHABU

SHABU

BULACAN – ARESTADO sa buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bulacan Police ang apat katao na sangkot sa droga sa bayan ng Pandi.

Sa report na ipinadala nina DDEU-NPD, Sr. Insp.  Cecilio  Tomas Jr.  at PDEU-SDEU Chief Insp. Protacio kay PNP Provincial Director, Sr. Supt.Chito Bersaluna,  nasa P3.5 milyon ang halaga ng droga na nasamsam sa mga  inaresto.

Kinilala ang unang dalawang nasakote na sina Arjay Samporna y Manjeron at Jhon Reuben Besonaya ng Brgy. Cacarong Matanda, Pandi.

Ganap na alas- 8:30 ng umaga nang madakip ang mga suspek at nakuha sa kanila ang dalawang plastic bag na naglalaman ng tig-100 gramo ng hinihinalang shabu.

Kasabay nito’y arestado rin sa buy bust ang da­lawa pang lalaki na nakilalang sina Johari Mauna at Patang Mauna, residente rin sa nasabing lugar.

Ganap na alas-9:30 ng umaga nang maganap ang buy bust sa lugar.

Nakumpiska mula sa kanila ang limang plastic sachet ng shabu na tig-100 gramo. THONY ARCENAL

3 thoughts on “4 HULI SA P3.5-M SHABU”

  1. 501388 486124The planet are in fact secret by having temperate garden which are normally beautiful, rrncluding a jungle that is certainly certainly profligate featuring so numerous systems by way of example the game courses, golf approach and in addition private pools. Hotel reviews 948423

Comments are closed.