BULACAN — APAT na magtrotroso ang nasakote sa bulubunduking bayan ng Doña Remedios Trinidad makaraang nakumpiskahan ng mga ilegal na tinistis na mga punong kahoy nitong Miyerkoles.
Kinilala ni Col. Manuel Lukban Jr., OIC Bulacan police director, ang mga naaresto na sina Christian Lungalong, July Tamayo, Aldrin Jay Berin at Rodel Dayson, pawang mga residente ng Pias, Gen Tinio, Nueva Ecija.
Sinabi pa ni Lukban na ang mga ito ay nahuli sa pinagsamang anti-illegal logging operation ng Community Environment and Natural Resources (CENRO)-Baliwag at DRT Police Station sa Sitio Sumacbao, Kalawakan, DRT bandang ala-5 ng hapon.
Nakumpiska sa mga ito ang mga tinistis na mga punong kahoy na pula at puting lauan at tangile na may kabuuang sukat na 7,038 board feet na nagkakahalaga ng P351,900.
Ang mga nakumpiskang tabla ay inilagak sa opisina ng CENRO-Baliuag samantalang may inihandang kaukulang kaso laban sa mga naaresto. ANDY DE GUZMAN
I’m writing on this topic these days, safetoto, but I have stopped writing because there is no reference material. Then I accidentally found your article. I can refer to a variety of materials, so I think the work I was preparing will work! Thank you for your efforts.