SOUTH COTABATO – DINAKIP ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na Indian sa General Santos City.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nahuli ang apat na dayuhan ng Mindanao, Intelligence Task Group (MITG) ng BI intelligence division katuwang ang Philippine National Police (PNP) sa Purok Malakas, Brgy. San Isidro noong Disyembre 3.
Inilabas aniya ang mission order matapos makatanggap ang ahensya ng reklamo sa komunidad ukol sa presensya ng mga illegal alien na sangkot sa “5-6” scheme sa lugar.
Ayon naman kay BI intelligence officer Melody Gonzales, nakapagpakita ng valid visas ang anim na iba pang Indian nationals dahilan para irekomenda ang pagkakalaya nito.
Nakapagpresinta naman ang apat na nahuling Indian national ng expired at invalid visas.
Nagtatrabaho ang apat bilang money lenders. FROI MORALLOS
Comments are closed.