APAT na kandidato pa lamang ang nakapagsusumite ng kanilang SOCE o statement of contributions and expenditures.
Sa impormasyong inilabas ni Comelec Acting Spokesman Atty. John Rex Laudiangco, ang mga nakapagsumite pa lamang ng SOCE hanggang araw ng Lunes, May 30, ay si dating PNP Chief Guillermo Eleazar at mga partylist group na Abono, Senior Citizen at Bisaya Gyud.
Ipinaalala ng Comelec na hanggang Hunyo 8 na lamang maaaring makapagsumite ng SOCE o 30 araw makalipas ang eleksiyon.
Talunan man o nanalo ang kandidato ay obligado silang maghain sa Comelec ng SOCE.
Kabiguan na makapagsumite nito ayon kay Laudiangco ay may katapat na multa na P1,000 hanggang P30,000.
Maaari rin pigilin ang pag-upo ng nanalong kandidato o pagbawalan nang maupo sa alinmang puwesto sa gobyerno. Jeff Gallos