4 KARNAPER NAKORNER NG PUNGLO

Karnaper

BULACAN – BULAGTA ang apat na lalaki na umano’y miyembro ng carnapping syndicate nang makipag-engkuwentro sa pulisya sa  boundary ng Brgy. Banga 1st at Brgy. Bagong Silang, Plaridel

Sa report ni P/Lt.Col. Victorino Valdez kay PNP Provincial Director P/Col. Chito Bersaluna, ganap na alas-3:50 ng madaling araw ng masukol ang mga suspek sa Baypass road habang lulan ng isang kotse na kulay gray na may plakang AHA-2068 na umano’y ninakaw ng mga suspek.

Natunton ang mga carnapper makaraang dumulog sa tanggapan ng pulis ang isang Michael Reyes,  27-anyos, beautician, residente ng Brgy  Longos, Pulilan, na inagawan ng sasakyan.

Aniya, bandang alas- 2:45 ng madaling araw, nagtungo siya sa isang convenience store para bumili ng pagkain nang lapitan siya ng dalawa sa apat na suspek kung saan tinutukan siya ng baril at kinuha ang susi ng kanyang kotse.

Matapos mabilis na tumakas ang mga suspek habang isang motorsiklo naman ang nakasunod sa tinangay na sasakyan.

Dahil dito agad na inalarma ang mga pulis para sa dragnet at hot pursuit operation na nag­resulta sa ilang minutong palitan ng putok ng baril.

Samantala, nareko­ber ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pinangyarihan ng engkuwentro ang isang cal. 45, isang uzi sub machine gun, 2 cal. 38 at ang ninakaw na kotse. THONY ARCENAL

Comments are closed.