BENGUET – ISANG buwan lamang ang nakalilipas nang maging headline sa mga pahayagan ang pagkamatay sa landslides ng nasa 80 bunsod ng paghagupit ng Bagyong Ompong sa Itogon na isinisi rin sa pagmimina, apat katao naman ang inaresto dahil sa illegal mining.
Batay sa pulisya, ang mga inaresto ay naaktuhan sa dating Chico sites, ilang kilometro ang layo sa Brgy. Gumatdang, Itogon.
Nag-ugat ang pagdakip nang makatanggap ng ulat ang pulisya mula sa karatig barangay na kontaminado ang kanilang ilog dahil sa ore processing.
Nagsagawa ng surveillance ang Itogon Municipal Police Station, Benguet Police Provincial Office (PPO), at Baguio City Police Office (BCPO) Station 4 at nang magpositibo ay sinalakay ang ilegal na operasyon na nauwi sa pagdakip sa apat na napaulat na armado rin. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.