4 KATAO NADALE SA VEHICULAR ACCIDENT

truck vs jeep

RIZAL – PATAY ang apat katao  nang kaladkarin ng truck ang tatlong pampasaherong jeep sa Antipolo City.

Pasado alas-3 ng hapon  noong Sabado nang mangyari ang aksidente sa bahagi ng Sumulong Highway sakop ng Barangay Mambugan.

Pababa sa kurbadang bahagi ng Sumulong Highway ang isang trak nang mawalan ng kontrol ang driver nito.

Tatlong mga pampasaherong jeepney ang kinaladkad ng trak bago ito tumagilid.

Inaalam pa ng awtoridad ang pagkaka­kilanlan ng mga biktima samantalang nasa kustodiya na rin nila ang driver ng trak na pansamantala munang hindi pinangalanan.

Kasalukuyan namang ginagamot sa isang ospital ang mga sugatan na pawang mga pasahero ng nakaladkad na mga jeepney. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM