NORTH COTABATO – HAWAK na ng Philippine Drug Enforcement Agency-Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-ARMM) ang apat katao na naaresto ng awtoridad sa anti-illegal drugs operation sa lungsod ng Cotabato.
Sa impormasyon ng PDEA-ARMM, bigtime suppliers ang kanilang nahuli sa entrapment operation na sina Alma Akmad, Basir Tantong at ang asawa nitong si Vilma at isang Mhads Luminog Mamintal.
Nahuli ang mga suspek nang magbenta ang mga ito ng shabu na nagkakahalaga ng P10 milyon.
Bukod sa P10 milyong halaga ng shabu ay nakarekober din ng mga awtoridad ang P1.7 milyong halaga ng shabu sa posisyon nina Akmad at Tantong.
Kaugnay nito, ayon kay PNP Region 12 Spokesperson, Supt. Aldrin Gonzales, ang mga nahuli ay mga notoryus na drug traffickers sa central Mindanao na nagsusuplay ng ilegal na droga sa Maguindanao, North Cotabato at ilang bahagi pa ng rehiyon. PILIPINO Mirror Reportorial Team