4 KELOT NALASON SA LAMBANOG

LAMBANOG

CAMARINES SUR – PINAGHAHANAP na ng awtoridad sa Iriga City ang isang engineer na naglako ng alak sa lungsod makaraang malason ang apat na lalaking bumili sa kanya.

Ayon kay SPO1 Glenn Loquias, tagapagsalita ng Iriga City PNP, Hunyo 29 nang dumating sa Brgy. Sta. Maria si alyas Engr. Castillo mula sa lung-sod ng Quezon at nag-alok ng mga dala nitong produkto.

Nakipag-inuman pa aniya ito sa apat na residente ng nasabing barangay kung saan ang dala nitong alak ang ininom ng mga biktima.

Ngunit, nito lamang araw ng Linggo nang mamatay ang dalawa na kainuman ng suspek habang nasundan pa ito ng isa pa noong araw ng Lunes.

Kinumpirma rin ni Loquias na kahapon ng umaga na isa na naman sa mga nakainuman ng nasabing inhinyero ang binawian ng buhay.

Ipinadala na sa Food and Drugs Administration (FDA) Bicol ang nasabing alak na ininom ng mga biktima para malaman kung anong substance ang inilagay sa nasabing produkto na nagresulta sa pagkamatay ng apat na biktima.

Pinaghahanap na rin ng Iriga Police ang nasabing inhinyero.   PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.