BULACAN- ARESTADO ng mga operatiba ang apat katao na sangkot sa pagbebenta at pagbili ng raw materials sa paggawa ng feeds kamakalawa ng gabi sa Brgy. Tibag sa bayan ng Pulilan, sa lalawigang ito.
Sa report na ipinadala ni Lt.Col.Jose Manalo Jr. kay PNP Provincial Director PCol, Relly Arnedo, nakilala ang mga suspek na sina Jose San Pedro y Cruz, 49-anyos, negosyante ng Purok 4 Hi-way, Brgy. Tibag; Feliciano Obeda y Mercurio, 55-anyos, truck driver, ng Brgy. San Juan, Balagtas; Jomy Salinas Jr y Barba, 45-anyos, helper ng Northville 5, Brgy. Batia, Bocaue at Ian Tura y Cajis, 40-anyos driver ng feedmix ng Brgy. Tabon, Pulilan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nagreklamo si Teodulo Magtalas y Sulit, Feedmix
Specialist Inc. kaugnay sa nawawalang sangkap sa paggawa ng pagkain ng hayop.
Nabatid na mismong driver ng trucking na si alyas Ian ang nagbaba ng 100 sako ng fish meal.
Sa isinagawang follow up ng PNP, nakita ang truck na may plakang REN 236 na lulan ang 100 sako ng fish meal.
Detenido ngayon ang mga suspek sa Pulilan Municipal Jail habang inihahanda ang kasong paglabag sa Anti-Fencing Law at Qualified Theft. THONY ARCENAL