BINIGYAN ng Malacañang ng sariling heroes’ welcome ang apat na Pinay Olympians na hindi nakapunta sa aktuwal na event para sa kanila noong nakaraang linggo.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na dahil sa ‘mix-up’, hindi nakauwi ng Pilipinas ang mga atleta at hindi nakadalo sa orihinal na petsa noong August 13
Kabilang sa mga dumalo sa seremonya ang mga Pinay athletes sa gymnastics na sina Aleah Cruz Finnegan, Emma Malabuyo at Levi Ruivivar at golfer Dottie Ardina.
Gaya ng ibang atleta, sinabi ng Presidential Communications Office na pareho rin ang naging seremonya’t insentibo na ibinigay sa kanila.
Binigyan ng Malacañang ng tig-P1 milyon ang mga atleta at nagbigay rin ang Office of the President ng P500,000 para sa kanilang mga coach at coaching staff. RUBEN FUENTES