4 LUGAR POPOSTEHAN NG GOV’T TROOPS VS TERORISMO

AFP-PNP-2

APAT na lugar ang umano’y puntirya ng terorismo kaya naman ipinag-utos ng Malacañang sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na dagdagan ang puwersa nito sa apat na lugar sa bansa.

Sa inilabas na Memorandum Order No. 32, inaatasan nito ang PNP at AFP na gawin ang lahat upang pigilan at mapahinto ang anumang anyo ng karahasan sa mga lalawigan ng Samar, Negros Oriental, Negros Occidental at Bicol region.

Batay sa inilabas na Memorandum Order, inaatasan ang AFP at PNP na pakilusin ang intelligence operation nito kontra sa sino mang indibidwal o grupong may kinalaman sa paghahasik ng karahasan sa alinmang nabanggit na lugar.

Inaatasan din ang mga lokal na pamahalaan na ibigay ang lahat nitong suporta sa PNP at AFP habang tiniyak naman ng Malacañang na masusunod ang proseso sa pagpapatupad ng warrantless arrest kung kinakailangan at iba pang hakbangin gaya ng searches at checkpoint operation.

Ang Memorandum Order ay nilagdaan kahapon ni Executive Secretary Salvador Medialdea “The salient provisions of MO No. 3 are herein reinforced and reiterated. Further, the Department of National Defense (DND) and the Department of the Interior and Local Government (DILG) shall coordinate the immediate deployment of additional forces of the AFP and PNP to suppress lawless violence and acts of terror in the provinces of Samar, Negros Oriental, Negros Occidental, and the Bicol Region, and prevent such violence from spreading and escalating elsewhere in the country,” bahagi ng Memo ni Sec. Medialdea. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.