INAMIN ni Agriculture Secretary William Dar na apat na lugar sa Region 4A o sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) ang namatayan ng baboy subalit hindi pa tukoy ang swine desease.
Ang impormasyon ay inihayag ni Dar nang mamahagi ito ng farm machineries at iba pang proyekto ng ahensya sa mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan ng Ilocos Sur kamakailan.
Tumanggi naman ang kalihim na tukuyin ang lugar dahil kailangan pa nilang alamin ang sanhi ng pagkamatay ng baboy at ayaw rin nilang maging alarmist.
Muli ring sinabi ni Dar na maaga pa para sabihing may African Swine Fever o hog colera sa bansa dahil wala pa namang resulta ang pag-sisiyasat hinggil dito. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.