INILAGAY ng Department of Health sa alert level 4 status ang apat na lugar sa Western Visayas.
Kabilang sa mga lugar na ito ang Iloilo City, Bacolod City, Iloilo Province, at maliit na isla ng Guimaras.
Sa datos ng DOH, pinagbasehan dito ang daily new cases ng COVID-19 sa bawat 100,000 ng kanilang populasyon.
Nabatid din na ang mga Intensive Care Unit o ICU rate ng ospital ay nasa mahigit 70% na.
Samantala, nilinaw ng DOH na ang ipinatutupad na alert level system sa NCR ay hindi upang luwagan ang quarantine restrictions kundi ay para mas pagtuunang pansin ang pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19.
Ginawa ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang paglilinaw makaraang payuhan ng World Health Organization ang gobyerno na huwag muna kaagad magluwag ng quarantine restrictions.
Binigyang-diin pa ni Vergeire na pinagtutuunan ng gobyerno ang highly burdened areas.
Maliban dito, nakatuon din ang bagong lockdown system sa 3C o ang closed, crowded areas at close contact upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
802568 169294hi, your site is truly excellent. I truly do appreciate your give good outcomes 353845