4 LUMABAG SA MECQ INARESTO

arestado

BULACAN-APAT katao ang inaresto ng Bulacan PNP makaraang lumabag sa pinaiiral na modified enhanced community quarantine(MECQ)  dahil sa hindi pagsusuot ng facemask at pumalag sa pani­nita sa checkpoint  kahapon ng madaling araw  sa Meycauayan City at Sta. Maria  sa lalawigang ito.

Sa report kay Bulacan-PNP Provincial Director  Col. Lawrence  Cajipe, nakan- PNP,nakadetine ang hindi na pinangalanang apat  na nahaharap sa kasong sa Resistance and Disobedience to Agents of Person in Authority,Malicious Mischief,Direct Assault at hindi pagsusuot ng facemask na tahasang paglabag sa pinaiiral na MECQ.

Mahigpit na ipinatutupad ang quarantine check point ng Bulacan- PNP sa Mac-Arthur  Highway at mas tinututukan ng mga ito ang mga motorsiklong bumabagtas sa lansangan  bukod pa sa inilatag na check points sa malaking bahagi ng 569 barangay sa lalawigan at ipinatutupad ito ng mga frontliners mula sa Barangay level.

Kasabay nito, pinasalamatan din ang mga alkalde ng Bulacan dahil sa pinayagang buksan sa publiko ang mga pamilihan -bayan hanggat nakakasunod lamang sa social distancing at pagsusuot ng facemask ang mga residente bukod pa sa  mayroon ding lugar na malayang nakabibiyahe ang mga traysikel na umaasa sa kinikita sa pamamasada.

Tiniyak naman ni P/Brig.Gen.Rhodel Sermonia, Regional Director ng Police Regional Office 3(PRO3) , mas palalakasin pa nila ang kampanya laban sa kriminalidad partikular sa iligal na droga sa kabila ng dinaranas na COVID-19 pandemic. MARIVIC RAGUDOS

Comments are closed.