4 LUXURY CARS NASABAT NG MICP

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International container Port (MICP) ang apat na mamahalin sasakyan, at 40 bales ng ukay-ukay na tinatayang aabot sa P10 milyon ang halaga.

Ayon sa report kabilang sa apat nahuling mamahalin sasakyan ay isang unit Porsche Boxter Sports car, isang unit na Mercedes Benz SLK sports car, at dalawang Toyota MR-S sports car.

Ang mga sasakyang ito ay galing Japan, at ideneklara bilang mga auto spares parts at naka-consigned sa isang kumpanyang nagngangalang JLFDM Consumer Goods Trading.

Nadiskubre ito matapos sumailalim ng 100 percents examination na isinagawa ng mga customs examiners sa harap ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS).

Sa halip na auto spare parts ang laman ng mga container, tumambad sa customs examiner ang apat na SUV na tinabunan ng mga ukay-ukay.

Agad naman inisyuhan ng Warrant of Seizure and Detention (WSD), dahil sa paglabag ng section 1400 ng RA 10863, o tinatawag na Customs Modernization and Tariff Act (CTMA). FROILAN MORALLOS

8 thoughts on “4 LUXURY CARS NASABAT NG MICP”

  1. 615114 114096An intriguing discussion will probably be worth comment. I feel which you merely write much a lot more about this subject, it might become a taboo topic but generally consumers are inadequate to communicate in on such topics. To an additional. Cheers 626681

Comments are closed.