4 MACHINES PARA SA FAKE CIGARETTES

sigarilyo

ISABELA – PINANGUNAHAN ni Cauayan City Mayor Bernard Faustino La Madrid Dy ang pagwasak ng apat na nakumpiskang machines sa paggawa ng mga pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng

P 6.5 million.

Ang mga makina ay dinapurak ng backhoe sa harapan ng city hall.

Kabilang sa dumalo ang kanyang mga kasamahan sa konseho at mga kawani ng city hall, mga deparment head, mga punong barangay at ang kapulisan na pinamumunuan ng P/Lt. Col. Gerald Gamboa, hepe ng Cauayan City Police Station.

Pinasalamatan ng alkalde ang awtoridad at mga opisyal ng barangay na nagbigay ng impormasyon para matuklasan ang ilegal na negosyo ng mga Chinese dahil sa panganib na dulot ng mga tao sa mga gagawin nilang pekeng sigarilyo.

Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang Cauayan City Police Station at inaalam na kung sino ang apat na Chinese na siyang nag-o-operate sa ­ilegal na paggawa ng mga pekeng sigarilyo.

Nakipag-ugnayan na ang mga opisyal nang Lungsod ng Cauayan sa pamunuan ng immigration sa Kalakhang Maynila upang matukoy nila ang apat na dayuhan na pinaniniwalaang hindi pa nakalalabas ng bansa. IRENE V. GONZALES