4 MAG-UTOL NA DURUGISTA TIKLO SA CHECKPOINT

pnp checkpoint

BULACAN  –  KALABOSO ang apat na magkakapatid makaraang mahulihan ng baril at droga sa isang checkpoint sa Brgy. San Jose sa bayan ng Plaridel.

Kinilala ni P/Lt.Col.Victorino Valdez ang mga nadakip na sina Robin, 26, Crisanto, 18, Jesmar, 28, at ang kuya nila na si Angelo Salazar Bernas, 31, mga  residente ng Camarin, Caloocan City.

Ganap na alas-2:10 ng madaling-araw nang maharang ang mga suspek.

Nakuha sa kanila ang isang cal. 38 revolver, 9 na plastic sachet ng hinihinalang shabu at dalawang motorsiklo na walang kaukulang dokumento.

Ayon kay Naldy Ortiz, chief tanod,  inutusan sila ng brgy. chairman na magsagawa ng checkpoint sa kanilang lugar, matapos ang apat na magkakasunod na nakawan ng motorsiklo.

Kung saan nakilala ng biktima ang isa sa mga suspek na armado ng cal. 38 at nakasuot ng kulay itim na damit na may hood.

Samantala, todo-tanggi naman ang magkakapatid sa akusasyon na sangkot sila sa motornapping sa lugar. THONY ARCENAL