4 MANDURUKOT  HULI SA QUIAPO

pickpocket

MAYNILA – APAT na kabataan ang swak sa selda nang mandukot ang mga ito sa Quiapo.

Sa salaysay ng biktima na si Naomi Laurin, naglalakad sila ng kanyang kaibigan sa kahabaan ng Evangelista Street noong Sabado ng gabi nang hindi niya namalayan na dinukutan pala ang kanyang bag.

Nakuha mula sa biktima ang cellphone at wallet na may lamangP500.

Namukhaan ang apat kaya agad na ipinakalat ang mga pulis at barangay tanod sa pa­ligid ng Quiapo dahil inaasahang mambibiktima ulit ang mga ito.

Noong Linggo ay namataan ang apat at nagbalak na namang mandukot.

Hindi naman itinanggi ng apat ang kanilang gawain.

Depensa ni alyas Marie na tatlong buwang buntis, kaya lamang siya nagnanakaw ay dahil may sakit ang kanyang ina.

Dati nang nahuli si Marie dahil sa kaparehong krimen sa bahagi naman ng Sampaloc, Maynila.

Dahil mga menor ang apat ay isasailalim muna sa pangangalaga ng DSWD at pag-aaralan din ng pulisya kung anong mga kaso ang posibleng isampa laban sa kanilang mga magulang. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.