TAGUIG CITY – INAMIN ng National Capital Region Police Office na apat sa kanilang personnel ang naka-self quarantine upang masiguro na sila ay hindi carrier ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay NCRPO chief, Police Major Debold Sinas na dalawa rito ay mga non-uniformed personnel na kararating lang galing ng Japan samantalang ang dalawa pa ay isang staff sergeant at isang colonel.
“May dalawa kaming personnel, non-uniformed personnel na kararating lang galing Japan kahapon. Pina-direct namin na magself-quarantine sila, i-monitor lang ng district health officer namin,” ayon kay Sinas.
Sa pahayag ni Sinas, ang staff sergeant ay madalas na bumisita sa Muslim prayer room sa Greenhills kung saan nakumpirma kamakailan na may kaso ng COVID-19.
“May isa po kaming personnel na assign sa PCP (police community precinct) Greenhills, nag-self-quarantine na rin siya tapos mino-monitor directly ang status niya,” pahayag ni Sinas.
Ang police lieutenant naman ay tinamaan ng lagnat at sore throat matapos na dumating ang kanyang asawa galing ng Japan.
“Ang asawa niya nag-travel po sa Japan, bumalik ng March 5… Noong pagbalik, ‘yung pulis namin nagpa-check-up siya kasi parang feeling niya mayroon siyang lagnat. Accordingly, sabi ng doctor sore throat lang ang sa kaniya… just the same, siya po ay dinirect na mag-self-quarantine,” paliwanag ni Sinas. MARIVIC FERNANDEZ