4 milyong Pinoy walang trabaho

(Pagpapatuloy)

AT NGAYON nga na hinaharap natin ang mga bagong strain ng virus at ang patuloy at mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 infection sa bansa (pinakamataas simula noong Setyembre 2020!), sana naman ay hindi muna ipagpatuloy ang pagluluwag ng mga restriksiyon.

Hindi rin naman ito kasiguruhan na madadagdagan ang trabaho at maiaahon mula sa kahirapan ang ating bayan at kababayan.

May mga eksperto sa ekonomiya ang nagsabing ang pagbubukas ng mga establisimiyento at pagluluwag ng pagbibiyahe ay hindi direktang makatutulong sa pagdami ng trabaho at pagbawi ng mga negosyo.

Mungkahi rin nila para sa pamahalaan na tingnang mabuti ang iba pang posibleng dahilan ng problema.

Halimbawa, ang pagsasagawa ng mga cost-cutting measure ng mga negosyante, na siyang nagiging dahilan ng pagbabawas ng tao o oras ng trabaho, at iba pa.

Mukhang matatagalan bago makabawi ang ating ekonomiya dahil napakaraming tao ang nawalan ng trabaho, napakaraming negosyo ang nalugi at nagsara, at napakaraming kababayan natin ang naghihirap. Kahit na may ilang hanapbuhay ang naibalik (269,000 sa National Capital Region), alam nating hindi solusyon sa problema ang pagbubukas ng mga establisimiyento at pagtanggal ng mga limitasyon sa pagkilos at pagbibiyahe.

Ang problema ng kawalan ng trabaho, kasama na rin ang underemployment o hindi sapat na kita, ay konektado sa problema ng kahirapan, kawalan ng oportunidad para makapag-aral, kalusugan ng isip at katawan, kapayapaan at kaayusan sa ating lipunan, at marami pang aspeto ng ating buhay.

Importanteng tumutok ang pamahalaan sa paghahanap ng solusyong pangmatagalan — hindi pansamantala — sa lalong madaling panahon.

One thought on “4 milyong Pinoy walang trabaho”

  1. 858300 959310You created some decent points there. I looked online for the problem and discovered many people may go as properly as making use of your internet site. 297833

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *