LAGUNA- ARESTADO ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group- Calabarzon ang apat na most wanted person sa Calabarzon sa magkakasunod na police operation sa Rizal, Cavite at Quezon noong Abril 18 at 19, 2023.
Base sa pahayag ni Police Colonel Marlon Santos, CIDG- Calabarzon Chief, kinilala ang mga suspek sa kanilang mga alyas RM, Ompong, Angge at Joel, pawang may mga kinakaharap ng mga kasong kriminal sa korte.
kay Col. Santos, sina RM at Ompongbay nahuli ng mga tropa ng CIDG- Rizal sa bisa ng warrant of arrest na inilabas sa sala ni Judge Maribeth Rodriguez Manahan, presiding judge ng RTC branch 175 ng San Mateo Rizal sa kasong murder.
Si Bordamonte naman ay nalambat ng CIDG- Cavite sa Barangay Bayanan, Bacoor city, Cavite.
Ang suspek ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest mula sa tanggapan ni Judge Marissa Pajuela Estabaya, ng RTC branch 111 ng Bacoor city sa kasong rape.
Samantala, si Angge ay naaresto sa Barangay Villa Victoria, Gumaca, Quezon sa apat na kaso ng pagnanakaw. Ang warrant ay inilabas ni Judge Maria Lourdes Gutierrez, presiding judge ng RTC branch 173 ng Gumaca, Quezon.
ARMAN CAMBE