RIZAL- APAT na most wanted ang naaresto sa loob lamang isang araw na pagpapatupad ng “OPLAN SALIKSIK” sa lalawigang ito.
Ito ay isinagawa mula ala-5 ng hapon nitong Miyerkules hanggang ala-5:00 kahapon ng madaling araw.
Ang operasyon na sinusuportahan ng mga balidong warrant of arrest ay nagresulta sa matagumpay na pagkakaaresto sa mga most wanted.
Nadakip si Alyas Manny, 61-anyos, retiradong miyembro ng AFPat residente ng Antipolo City dahil sa paglabag sa Sec. 5 kaugnay ng Sec. 6 ng RA 9262 (Violence Against Women and their Children).
Ang warrant ay nilagdaan ni Hon. Anna Zita B Abuda-Caballegan, Acting Presiding Judge RTC Antipolo City.
Kasunod nito, ang magkapatid na Alyas Paul at Alyas Joe na kapwa naninirahan sa Antipolo City na dinakip sa kasong Attempted Murder sa bisa ng warrant of arrest na pinalabas ni Hon. Joel C Bantasan, Acting Presiding Judge Branch 72, RTC Antipolo City nitong September 7, 2023.
Samantala, ang ika-apat ay si Alyas Jona, residente ng Antipolo City na inaresto dahil sa paglabag sa Sec 13 kaugnay ng Sec 11 ng RA 9165 sa bisa ng warrant of arrest na nilagdaan ni Hon. Marie Claire Victoria Mabutas Sordan, Presiding Judge Branch 97 RTC Antipolo City noong May 18, 2023. ELMA MORALES