ISINIWALAT ni Senador Panfilo Lacson na may apat na Chinese drug lords ang nakakulong sa New Bilibid Prison (NBP) ang pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) noong Agosto 6.
Inihayag ito ni Lacson sa isang ambush interview base sa dokumento na hawak nito na nakabalik na ng China ang apat na Chinese drug lords.
Dahil dito, nais na alamin ni Lacson sa pagdinig sa Senado kung ano ang naging basehan ng BuCor sa ilalim ng pamumuno ni BuCor Chief Nicanor Faeldon sa pagpapalaya sa naturang apat na Chinese drug lords.
Nais din malaman ni Lacson sa pagdinig kung may pananagutan ang pamunuan ng BuCor sa muntik ng pagpapalaya kay dating Calauan Mayor Antonio Sanchez na ngayon ay nawawala ang release order nang hanapin nito.
Ayon pa sa senador, bukod kay Sanchez bubusisiin nito ang Good Conduct Time Allowance ng 11,000 inmates ng NBP na nakatakdang lumaya.
Aalamin din ni Lacson, kung may kapalit na halaga ang pagpapalaya sa 11,000 inmates o kung dumaan talaga sila sa naaayon na tamang proseso. VICKY CERVALES
Comments are closed.