4 NA CHINESE TIMBOG SA NAIA

NAIA

MAYNILA – NASAKOTE ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquno International Airport (NAIA) ang apat na Chinese dahil sa pagpresinta ng mga pekeng Paraguay pasaporte.

Ang apat na dayuhan ay dumating sa bansa noong Nobyembre 18 sakay ng Emirates Airways galing sa Dubai.

Nabatid na nagpanggap na mga Paraguay ci­tizens ang apat pagdating sa immigration counter, ngunit agad na naghinala ang mga opisyal sa nakitang mga red flag kung kaya ipinadaan sa secondary inspection.

Sa isinagawang se­condary inspection at interview, nadiskubre na hindi mga Paraguay citizens dahil wala silang alam sa salitang Espan­yol o basic Spanish at wala ring maipakitang dokumento. Agad nag-isyu ng exclusion order si TCEU Chief Ma. Timotea Barizo at agarang pinasakay ang apat sa unang flight pabalik sa kanilang port of origin. FROI MORALLOS/PAUL ROLDAN

Comments are closed.