4 NA HOLDAPER TUMBA SA  HOT PURSUIT OPERATION NG PNP

holdaper

PAMPANGA – DEAD on the spot ang apat katao makaraang makipag-engkuwentro sa mga pulis sa Timoteo Road, Sitio Dudurot-Paligue, Brgy. Colgante, Apalit.

Sa report ni P/Lt. Col. Elmer Decena kay PNP Regional Dir. PBGen. Joel Napoleon Coronel,  kinilala ang mga napatay na suspek na sina Monico Hernaez alyas Roel Velasco, Ayomen  alyas Joeyboy, at ang magkapatid na Nicson at Jayson Babawen.

Sa  imbestigasyon ng mga pulis, ganap na alas- 4:30 kahapon ng madaling araw nang maganap ang engkuwentro.

Nabatid na hinoldap ng mga suspek ang isang convinience store sa Sitio Sampaga, Brgy. San Vicente sa nabanggit na bayan.

Agad nagsagawa ng check point at hot pursuit operation sa robbery holdap group, malapit sa lugar, matapos ituro ng ilang saksi ang kulay pula na Toyota Inova na patungo sa direksyon ng Macabebe.

Kung saan natiyempuhan ng mga awtoridad na nagsasagawa naman ng Oplan Rody sa Sitio Candelaria sa Brgy. Sulipan at naharang ang mga suspek subalit agad umano silang pinaputukan na naging sanhi ng pagganti ng putok ng mga pulis na nag­resulta sa pagkakapatay sa mga holdaper.

Nakuha ng SOCO sa pinangyarihan ng engkuwentro ang dalawang Cal.45 at isang cal. 9mm pistol, at ang hindi pa matukoy na halaga ng pera. THONY ARCENAL

Comments are closed.