LANAO DEL SUR – APAT na mag-aaral ang nasugatan matapos manalasa ang ipo-ipo sa kabahayan, government buildings, mga paaralan at mosque sa Barangay Proper, Marogong.
Unang tinamaan ng ipo-ipo ang 15 kabahayan at iba pang gusali na nagdulot nang abala sa halos 30 pamilya sa lugar.
Sa pahayag ni Lanao del Sur Provincial Disaster Risk Reduction Management Office head Saripada Pacasum Jr., kinilala ang mga nabigyan ng hospital medication na sina Saima Victory, Jawad Camlon, Nurhada Ameraol at Nurmalia Maruhom.
Nakisilong ang apektadong mga pamilya sa kanilang mga kaanak at inaabutan naman ng tulong ng municipal government ang mga ito.
Una rito, nagpapasalamat ang mga tao na dakong umaga nang manalasa ang ipo-ipo dahil nakikita pa nila ang galaw nito sa Barangay Proper noong Sabado ng hapon.
Sa mga nakalipas na taon ay dinaanan na rin ng ipo-ipo ang Lanao del Sur. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM