4 NA PALAPAG NG CONDO TINALON NG HAPONESA, KRITIKAL

suicide

MAKATI CITY – NASA kritikal na kondisyon ang isang Haponesa  matapos itong tumalon mula sa 28th floor hanggang sa bumagsak sa 24th floor ng isang condominium dahil umano sa depression matapos mamatay ang kanyang mister kamakalawa ng gabi sa lungsod na ito.

Ginagamot na sa Makati Medical Center (MMC) ang biktimang si Anri Saito, 39,  naka-check-in sa  isang condo sa Brgy. San Lorenzo.

Ang roommate ng biktima na si Rado Omari, 45, isa ring Japanes, ang siyang nag-report sa insidente ay kasalukuyan ngayong nasa kustodiya ng Makati City police.

Inihayag nito sa pulis­ya na dakong alas-8:55 ng gabi nang maganap ang pagtalon.

Giit ni Omari, nagkaroon ng depression simu­la nang mamatay ang asawa nito na isa ring Japanese.

Dagdag pa ni Omari na sila ay nag-check in sa naturang condominium noong Agosto 3 at dapat sila ay magtse-check out na sa Agosto 9.

Ang pagpigil naman ng pulisya kay Omari sa kanilang himpilan ay upang ito ay isailalim sa imbestigasyon kung may katotohanan ang paha­yag nito. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.