MARAHIL ay marami ka nang nakilalang mga taong kumikita sa kanilang pag-blog, mula sa pagsusulat, pag-post sa social media, hanggang sa pag-video. Nag-iisp ka na rin siguro na gumawa ng sarili mong blog o vlog pero ‘di mo alam kung paano magsisimula. Tara, kuwentuhan tayo.
#1 Alamin kung saan ka mas magaling
Iba-iba kasi ang paraan ng pagba-blog gaya ng nasabi ko sa una. Kung mahabang pagsusulat ang kaya mo — Tagalog man o Ingles — magbukas ka muna ng blog sa Blogger o sa WordPress. Ang paggamit ng isa sa mga ito ang panimula sa paglalagak ng iyong mga kaalaman, kuwento o repleksiyon. Kung maiigsi lamang ang nais mong ilathala, sa Facebook o Twitter o Instagram ka magsimula. Mas mainam kung may kasamang larawan ang mga post mo rito. At kung mas ok sa ‘yo ang video, sa Youtube ka magsimula.
#2 Alamin ang panggagalingan ng kita
‘Di pare-pareho ang kitaan sa mga platapormang nabanggit ko sa #1. Depende rin ito sa panggagalingan ng kita. Sa Youtube, sa ads mula sa Google at Youtbe nanggagaling ang kita. Naghahatian lang kayo sa kita (20% ang sa ‘yo). Kapag marami ka nang subscribers sa channel mo, lumalapit na ang mga corporate sponsors. Sa Facebook at Instagram, mas umaasa sa sponsors ang kitaan dito. Sa Facebook videos, mayroon ding kitaan mula sa reve-nue-sharing, pero mas ok pa rin sa YouTube. Sa blogging naman sa Blogger or Blogspot, sa Google Adsense kumikita. Sa WordPress naman, puwe-deng kumita sa Google Adsense at sa mga tinatawag na advertising networks.
#3 Palaguin ang followers o subscribers
Sa kahit na anong klase ng blog (o social media), ang traffic o dami ng mga followers o subscribers ang pinagmumulan ng advertisers o sponsors. Kaya naman ang dapat mong gawin ay ang iba’t ibang paraan ng marketing. ‘Di ko man mailalahad ang lahat ng paraan dito sa pitak na ito, simulan mo sa paggamit ng Facebook sa promotion. Bakit? Kasi ang Facebook ang may pinakasaktong pamamaraan sa paglalagay ng teksto, larawan, video, at links. Mas mainam ding mag-boost ng post sa halagang 40 pesos para mas mabilis ang pag-angat ng followers.
#4 Pagkuha ng partners
Sa ngayon, ang Negosentro.com na blog ko ang pinakamatagumpay sa.mga 30+ blogs ko. Lumago ito 8 taon na ang nakararaan dahil sa pagkuha ko ng mga partners mula sa mga nagsusulat (contributors) hanggang sa advertisers. Ang Facebook Page naming mag-asawa na He Said She Said Phil-ippines na may mahigit 400,000 followers ay nagtagumpay rin dahil sa parehong paraan. Buksan mo ang pinto sa mga partner na silang tutulong sa ‘yong palaguin ang followers at advertisers mo.
Ang mahalaga sa lahat ng ito ay magsimula ka sa pagtuklas kung ano ang kaya mong ibahagi sa mundo sa pamamagitan ng blog at social media. Gawin mo itong passion mo. Kasunod na ang kumita para rito.
o0o
Si Homer Nievera ay isang serial technopreneur at makokontaksa [email protected].
Comments are closed.