4 NA PINOY FISHERMEN KABILANG SA SAKAY NG LUMUBOG NA FISHING VESSEL

fishing vessel

BRUNEI – DALAWA katao ang naisalba nang lumubog ang isang fishing vessel sa karagatang sakop ng Brunei.

Sa ulat, pito ang lulang mangingisda ng fishing vessel kung saan ang apat ay Filipino.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), hindi pa malinaw kung ano ang nationali­ty ng dalawang nasagip habang tumigil na ang search and rescue operation para sa natitirang crew.

Paliwanag ng awtoridad, apat na araw na ang paghahanap subalit bigo silang makapagsalba pa.

“The search and rescue operations were halted yesterday as no crew members in the identified search area, other than the two previously rescued, were found,” ayon sa  DFA.

Ang huling komunikasyon sa pagitan ng Radims 2 at kapitan ay noong Agosto 7.

Una nang humingi ng tulong ang National Search and Rescue Coordination Committee ng Brunei sa Malaysian Mari-time Enforcement Agency para ma-locate ang nawawalang crew members. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.