4 NA SUNDALO NALAGAS SA VEHICULAR ACCIDENT

sundalo

SAMAR – APAT na tauhan ng Philippine Army ang nasawi habang pitong iba pa ang malubhang nasugatan nang salpukin ng isang wing van truck ang sinasakyan nilang pick- up truck kahapon ng umaga sa Brgy. Apolonia, Paranas.

Sa ulat ng Samar-PNP naganap ang sakuna ng mabangga ng isang wing van truck na minamaneho ni Elvin Millanes, na kabilang sa mga sugatan kasama ang helper nitong si Alex Dubria.

Malubha ring nasugatan sina Lt. Col. Edgar Allan Orbito, CMO, Mat Raymond Barante, isang unidentified soldier, Warren Dabut na driver ng tricycle at mga sakay nitong sina Janica O. Baco, Jella B Baccil at Sheryl S. Maurillo,

Dead on arrival sa pagamutan sina 2nd Lt. Sharefe Cabanog, Sgt. Sherwin Antonio, Sgt. Rimmek Ombrog, at Ssgt Crisostomo Gabuay.

Lumabas sa pagsisiyasat na binabagtas ng truck ang kahabaan ng national highway papuntang Catbalogan City nang aksidente nitong masagi ang sinusundang tricycle.

Tinangkang iwasan ito ng driver at sa pagmaniobra ay nahagip naman nito ang kasalubong na hi lux pick up ng mga sundalo. VERLIN RUIZ

Comments are closed.