NORTH COTABATO – LABIS na nalungkot ang isang overseas Filipino worker (OFW) makaraang mapasama ang kaniyang bahay na gumuho sa dalawang beses na paglindol sa Mindanao.
Ayon kay Salvacion dela Fuente, domestic helper sa Saudi Arabia, apat na taon niyang inipon ang suweldo upang makapagpatayo ng bahay.
Subalit noong Oktubre 16 nang magkaroon ng malawakang pagyanig sa Mindanao ay nagkaroon ng sira ang kaniyang bahay at noong Oktubre 29 sa magnitude 6.6 quake sa Tulunan, North Cotabato ay tuluyang nawasak ang kaniyang bahay.
Dahil dito napilitan si dela Fuente na umuwi at bisitahin ang kanyang bahay.
Naging emosyonal ang OFW nang makita ang sinapit ng kanyang bahay subalit nagpapasalamat pa rin dahil ligtas ang kanyang mahal sa buhay.
Una nang ipinost ng hipag ng OFW na si Princess dela Fuente ang larawan ng bahay na partially damage noong Oktubre 16 at tuluyang nawasak sa sumunod na lindol. EUNICE C.
Comments are closed.