GOOD day, mga kapasada! As always, dalangin po ng pitak na ito na ligtas kayong lahat sa masamang biro ng kapalaran sa inyong pang-araw-araw na paggulong sa langsangan para kumita upang matugunan ang panghapag kainang pangangailangan ng buong mag-anak.At ang paalalang stay safe at igalang ang pandemic protocols is a must para sa lahat ng mga kapasada.Sa isyu pong ito ng ating Patnubay ng Drayber ay tatalakayin natin ang sa tuwi-tuwina ay panawagan ng Land Transportation Office (LTO), ngunit wari’y taingang kawali ang ating mga kapasada na pasok sa kaliwang tainga, labas sa kanang tainga. Kaya huwag nating itatwa ang paulit-ulit na marahil kung hindi tayo nagkakamali na ito ay itinuturo rin sa “Defensive Driving” na parang gasgas nang plaka ng lumang stereophonic natin noon pang unang panahon. Ayon sa LTO, pinakakaraniwang uri ng car accidents ang mga sumusunod:
- REAR-END COLLISION – Ayon sa LTO, ang rear-end collision ay isa sa pinakakaraniwang uri ng aksidente ng sasakyan. Sudden deceleration is often the culprit, be-cause who can read the mind of the driver in front of them? How are you supposed to know when that elderly lady is going to go from 40 miles per hour to 15? Who does that?! Regardless, we are all responsible for watching the cars in front of us. Tailgating is another issue. Everybody is always in rush to get where they need to go, and that means following the front driver too closely. This can result in whiplash for either driver upon a quick stop, an injury that can require many years of treatment.
- SIDE-IMPACT COLLISIONS – Commonly referred to as a “T-bone” but nowhere near as delicious, a side-impact collision is exactly what the name describes: one car impacting the side of another vehicle. This could do any level of damages, from scratching a bumper to completely imploding the car’s doors; it will depend on how fast the offending car was driving and how hard the impact is.
3.HEAD-ON COLLISIONS – Head-on collisions are among the deadliest of auto accidents. This occurs when the front-end of the car hits another object, which can often happen at high speeds. Frontal-impact accidents can also involve animals, trees and other obstruction or obstacles on the read. Anytime there is an additional road hazard such as fog, the probability of a head-on collision can increase. Drivers and passengers frequently have severe bodily injuries after an accident such as this. Often, accident victims also have internal damage, concussion and dislocations.
4.MULTI-VEHICLE COLLISIONS – Also referred to as pile-ups, multi-vehicle collisions entail at least three cars colliding. This often occurs on busy roads, freeways and highways. Like frontal impact auto collisions, multi-vehicle collisions are markedly more dangerous and can lead to additional fatalities. The vehicles can collide with one another multiple times and at several angles. Drivers and passengers in these types of accidents often find it difficult to escape.
PROVINCIAL BUSES HILING NA MAKABIYAHE SA METROPOLIS
Nanawagang muli ang mga provincial bus operator sa Department of Transportation (DOTr), Inter-Agency Task Force (IATF) at sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mabigyan sila ng pahintulot na makabiyahe papasok sa Kalakhang Maynila. Sa isang text message ni Engr. Alex Yague, executive director ng Provincial Bus Association of the Philippines (PBAOP), likha ng kawalan pa rin ng biyahe ay naghahari ang mga colorum sa lahat halos ng routes at walang magawa ang mga commuter kahit mahal ang bayad sa pamasahe.
Ayon kay Yague, hanggang ngayon ay wala pa ring biyahe mula Pangasinan, Quezon at Bicol. “‘Yung mga nabuksang ruta mula Laoag at Baguio City, sobrang higpit ng ipinatutupad na protocols. No RT-PCR test, no travel and the good thing, terminal to terminal pa rin ang biyahe,” diin ni Yague.
Paliwanag pa ni Yague, libo-libong drayber, konduktor, messengers, mechanics, at iba’t ibang personnel ng PBOAP ang nawalan ng trabaho at talagang said na said at gutom na ang kanilang dinaranas na kagipitan sa buhay. Idinagdag pa ni Yague na lubhang nakalulungkot alalahanin na bilyong investment na rin ang nawala sa mga operatorat kung ilang beses na ring nag-reconstruct ng financial program dahil walang panghulog sa mga bangko at mga inutangang financial institution dahil ang karamihan dito ay talaga namang financed ng mga bangko, pahayag ni Yague.
Binanggit pa ni Yague na “ang PBOAP ay compliant sa IATF, in proper place ang lahat ng aming safety and health protocols, handang-hand na po kami, pati sa mga LGU ay compliant din po kami, sa terminal to terminal rules,” paliwanag pa ni Yague.
BISA NG STUDENT’S PERMIT AT LISENSIYA PINALAWIG
Nagdulot ng labis na kagalakan sa mga baguhan at mga professional na drayber ang naging pahayag kamakailan ng LTO na muling pinalawig (extended) ang validity ng student’s permit, driver’s license, gayundin ang sa mga conductor hanggang sa Marso 31 ng taong kasalukuyan,Ginawa ng LTO ang pahayag sa gitna ng nararanasang pandemya. Ayon kay Atty. Clarence Guinto, acting director ng LTO-Law Enforcement Section, ang memorandum na ipinalabas ni LTO Chief Edgar Galvante ay sakop ang mga 17 hanggang 20 taong gulang at mga senior citizen (60 taong gulang pataas,).Ayon kay Galvante, ito ang pangatlong pagkakataon na pinalawig ang validity ng mga issued licenses dahil sa extended restriction ng Inter Agency Task Force.
PROBLEMA SA SASAKYAN NA DAPAT IWASAN
Sa pakikipanayam sa isang expert mechanic ng isang gasoline station sa Paranaque City, may ilan sa mga problema ng sasakyan na dapat iwasan at ito ay magagawa sa pamamagitan ng proper maintenance nang hindi magkaroon ng aberya ang mga ito tulad ng mga sumusunod:
DEAD STARTER
Kapag sinabing dead na ang starter ng sasakyan, ito ay nangangahulugang ayaw nang mag-start ang engine.Maaaring sira ang na ang inyong starter o kaya naman ay patay na ang inyong battery. Para maiwasan ito, magsagawa ng periodic checks on the main component of your starter motor upang malaman ang tunay na dahilan at kung maaari ay palitan kung hindi na ito maaayos. Ang patay na starter ay lubos na makaaapekto sa performance sa engine ng spark plug o kaya ay sa starter relay na ang kailangan ay some adjustment lamang.
PROBLEMA NG SPARK PLUGS
Ang spark plug ay may sariling shell life. Ang wear and tear nito ay karaniwang dahilan ng pagkawala ng spark nito sa mga ‘di inaasahang panahon.Kung hindi na gumagana ang spark plug, magreresulta ito sa mabagal na pagtakbo at malakas na konsumo ng gasolina. Upang maiwasan ang ganitong problema ay mag-regular tune up ng sasakyan kada anim na buwan at palitan ang spark plug kada lima o bawat 10 buwang gamit ng sasakyan.
LAGING TATANDAAN: UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI. HAPPY MOTORING!
Comments are closed.