4 NAIS MAGTRABAHO SA DUBAI PINIGIL

DUBAI

PARAÑAQUE CITY – PINIGIL ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang apat na babae na umano’y  biktima ng human trafficking, na nais magtungo sa Malaysia, subalit nahulihan ng pekeng dokumento.

Ayon kay Immigration commissioner Jaime Morente, ang apat ay may flight sa Kuala Lumpur saka didiretso sana sa Dubai at magtratrabaho bilang house hold workers at drivers.

Nadiskubre rin ni Ma. Bernadette Calipay, hepe ng travel control and enforcement unit (TCEU) na ang mga ID na isinumite sa immigration ng apat ay galing sa isang construction company na peke.

Inamin ng apat na iniabot lamang sa kanila ang kanilang mga visa at plane ticket sa loob ng isang convenience store sa Terminal 3. FROI MORALLOS

4 thoughts on “4 NAIS MAGTRABAHO SA DUBAI PINIGIL”

  1. 472096 323138Hmm is anyone else encountering troubles with the pictures on this weblog loading? Im trying to figure out if its a difficulty on my finish or if it is the blog. Any responses would be greatly appreciated. 771888

Comments are closed.