4 NALAMBAT SA SINALAKAY NA DRUG DEN

ZAMBALES- APAT katao ang nadakip nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Zambales Provincial Police Office ang isang drug den sa Subic.

Sa ulat , isang anti-narcotic operation ang ikinasa ng PDEA Zambales at local police matapos na makumpirma ang kanilang intelligence report hinggil sa bentahan ng droga sa isang makeshift drug den sa Purok 6B, Muslim Area, Barangay Calapacuan, bayan ng Subic, Zambales.

Base sa report na isinumite kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, may apat na drug personality ang kanilang nadakip na kinilalang sina Hajiraya Ibnohali y Saral @Ajing, 48-anyos ng Purok 6b, Calapacuan na nagsisilbing Drug Den Maintainer (Targetlisted); Sheila Gatos y Small @Dimple, 33-anyos ng 12th St. New Kalalake, Olongapo City; Rita Garcia y Sibayan, 33-anyos ng #32 Upper Kalaklan, Olongapo City; at Rocky Arpilleda y Cabasal, binata, 35-anyos at residente ng Upper Kalaklan, Olongapo City.

Nakuha ng mga mga awtoridad sa buy bust operation ang apat na heat-sealed transpa­rent plastic sachets na naglalaman ng shabu , samu’t saring drug paraphernalias at marked money na ginamit ng poseur buyer.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga naaresto na suspek. VERLIN RUIZ/THONY ARCENAL