4 NANGUNGUNANG PNP REGIONAL OFFICES PINARANGALAN

LAGUNA-INIHAYAG ni Philippine National Police (PNP) chief General Rodolfo Azurin Jr. nitong Martes ang apat na nangungunang PNP Regional office sa buong bansa na tumugon sa pamantayan ng pagiging mahusay, magaling, maayos na pagpapatupad ng batas, malinis na proseso ng recruitment, solido at pantay na pamamaraan ng promotion sa mga pulis at presentableng pagsasaayos ng mga records ng mga PNP personnel.

Ang mga binigyan ng recognition ng pamunuan ng PNP ay ang mga rehiyon ng Calabarzon, Cordillera, Bicol at Mimaropa.

Ang Police regional office 4A sa ilalim ng pamamahala ni Brig. General Jose Melencio Nartatez Jr, ang nakapagtala ng pinakamataas na ratings sa mga buwan ng Nobyembre (97.21.), Disyembre ( 98.21) at Marso ( 94.86).

Sumunod naman ang Cordillera PNP na nakakuha ng mataas na ratings sa mga buwan ng Hunyo (97.05), Hulyo ( 96.53), Abril ( 95.69) at Mayo (95.59).

Samantala, mataas ang ratings ng Bicol regional office sa mga buwan ng Oktubre ( 96.42), Agosto ( 96.35), Enero ( 95.68), at Pebrero( 96). Nasa ikaapat na puwesto naman ang Mimaropa kung saan nagtala ito ng mataas na ratings sa mga buwan ng Hulyo (96.53) at Setyembre 2022. (96.50).

Ang buwanang Unit Performance Evaluation Rating (UPER) sa mga rehiyon ay isang paraan para masukat ang pagpapatupad ng disiplina, maayos na pagpapatupad ng batas sa lahat, maayos na recruitment, malinis at masinop na personnel record. ARMAN CAMBE