4 OFWs HINARANG SA PEKENG DOKUMENTO

APAT na Overseas Filipino Workers (OFW) ang hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa mga pekeng mga dokumento.

Ayon kay immigration Commissioner Jaime Morente, ang apat na ito ay pasakay sa kanilang Emirates flight via Dubai papuntang Albania noong Hulyo 12 nang ma-intercept ng kawani ng BI Travel Control Unit (TCEU) sa NAIA Terminal 3.

Batay sa nakalap ng impormasyon nagpresinta ang mga ito ng valid work permits at visas papunta Albania, ngunit inamin ng apat na magtratrabaho sila bilang mga household service workers (HSW) sa Dubai.

Sa isinagawang inisyal imbestigation inamin ng mga ito na nagkunwari lamang sila na pupunta sa Albania upang makalabas ng bansa bagkus bansang Dubai ang kanilang final destination.

Resulta sa pagsisiyasat ng mga tauhan ng TCEU,nadiskubre na ito ang bagong mudos ng human traffickers at illegal recruiters na kumuha ng work permits at job contracts sa ibang bansa katulad ng Albania at Maldives ngunit ang totoo sa Dubai ang bagsak ng mga biktima.

Ang mga biktima ay inilipat sa pangangalaga sa mga tauhan ng Inter-Agency Council Against Trafficking kasabay sa paghaharap ng criminal charges laban sa mga recruiters. FROILAN MORALLOS

5 thoughts on “4 OFWs HINARANG SA PEKENG DOKUMENTO”

Comments are closed.