4 OV-10 ATTACK PLANE IBIBIGAY NG ESTADOS UNIDOS SA PHL

OV-10 Bronco light attack planes

CAMP AGUINALDO – APAT na OV-10 Bronco light attack planes mula sa Estados Unidos ang ipagkakaloob sa Filipinas para masu-portahan ang mo­dernisasyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP),  ayon sa Department of National Defense (DND).

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, maibibigay ang mga nasabing  attack plane sa ­Philippine Air Force (PAF)  ngayong taon o sa unang bahagi ng susunod na taon.

Ibibigay lamang umano nang libre ang nasabing mga eroplano at ang tanging pagkakagastusan ng Filipinas ay ang shipment ng mga nasabing air-craft, ayon pa sa kalihim.

Ang OV-10 plane ay isang Vietnam War-era plane na ginamit ng PAF sa pagbomba sa terorista noong nakaraang Marawi siege.

Dagdag ang mga ito sa anim na kaparehong unit na nasa inventory ng PAF.  VERLIN RUIZ

 

Comments are closed.