(4 pang accredited players inaprubahan ng LTFRB) MOTORCYCLE TAXI LAW IPASA NA

IGINIIT ni Senadora Grace Poe na napapanahon na para ipasa ang panukalang batas para sa motorcycle (MC) taxis bilang alternatibong pamamaraan ng transportasyon.

Ito ay matapos paboran ang pagpasok ng apat pang motorcycle taxi companies na binigyan ng  Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng accreditation.

“We welcome the entry of the newly-accredited players for motorcycle taxis. Healthy competition is always better for the riding public. It is evident that motorcycle taxi is a feasible alternative mode of transport as long as proper road and passenger safety measures are in place,” ani Poe, chairman ng Senate Committee on Public Services.

Sa ginawang pag-aaral ng MC Taxi TWG, nakita nito na ang motorcycle taxi ay magiging alternatibong pamamaraan ng transportasyon na kinakailangang nasa tamang daan at masiguro ang kaligtasan ng pasahero.

Gayundin, mabibigyan ito ng supporting data para mapalawak ang industriya ng transportasyon na hindi lamang sa bagong players kundi para mapalawig pa ang operations sa bansa.

“This is exactly why we have always pushed for the legalization of MC taxis. With more competition, commuters have access to fast, affordable, and convenient transport options, especially in traffic jams or harder-to-reach destinations,” anang senadora.

Idinagdag pa ni Poe, ang riding public at ang official data ay nakatuon na para gawing legal  ang motorcycle taxis kung saan dapat na magsagawa na nang public policy at legislation alinsunod na rin sa pagbabago ng panahon.

“Kabuhayan at mas madaling komyut para sa lahat ang hangad natin sa legalisasyon kaya’t sana ay maipasa ito bago matapos ang kasalukuyang kongreso sa 2025,” giit ni Poe.

VICKY CERVALES