4 PANG INFRA PROJECTS APRUB NA SA NEDA

NEDA-3

APAT pang proyektong pang-imprastruktura ang inaprubahan ng komite ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Ang Samal Island-Davao City Connector (SIDC) project, ang  Camarines Sur High-speed Highway, ang Davao Public Transport Modernization Project (DPTMP) at ang unsolicited proposal para sa New Bohol International Airport ay inaprubahan ng Investment Coordination Committee-Cabinet Committee (ICC-CabCom) ng NEDA.

Ayon sa NEDA, ang P23.04 billion SIDC project, na kinasasangkutan ng konstruksiyon ng isang 2.8 kilometer 4-lane bridge, ay tutustusan sa pamamagitan ng official deve­lopment assistance. Pagdurugtungin nito ang Davao City at Samal Island.

Ang Davao public transport modernization project na nagkakahalaga ng P18.67 billion ay ipinanukala ring pondohan sa pamamagitan ng ODA.

Samantala, ang P9.23 billion highway sa Camarines Sur ay kinasasangkutan ng konstruksiyon ng isang 15.21 kilometer 4-lane highway, na magsisilbing alternate route sa pagitan ng Legazpi o Caramoan at ng Maynila.

Inaprubahan din ng NEDA ang unsolicited proposal para sa operation and maintenance ng New Bohol International Airport  na may 25-year concession period.

Ang listahan ng flagship projects sa ilalim ng ‘Build Build Build’ program ng admi­nistrasyong Duterte ay binago at pinalobo sa 100 proyekto mula sa 75.

Comments are closed.