ILOCOS SUR-DALAWANG suspek ang itinuturong dawit sa nangyaring shooting incident na kinasasangkutan ng ang supporters ng magkatunggaling mayoral candidates sa Magsingal sa lalawigang ito na nag ugat sa vote buying allegations na ikinamatay ng apat katao.
Sa ulat na nakarating kay PNP officer-in-charge Lt Gen. Vicente Danao Jr., Task Force NLE 2022 commander, may apat na nasawi sa insidente habang apat din ang sugatan.
Kinilala ang mga dinakip sina Minelio Tolentino Oliver, 38-anyos at barangay tanod na si Eddie Unzo, 37-anyos.
Ayon kay Danao, sangkot sa barilan ang mga tagasuporta ng mga kandidatong alkalde sa bayan na sina Lorry Salvador, Jr. at Alrico Favis, ang asawa ng kasalukuyang alkalde.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon, nagtungo si Salvador at anim nitong supporters sa bahay ni Barangay Labut chairman Corazon Fuller.
Nabatid na tinangka umanong sitahin ang barangay captain hinggil sa umano’y nagaganap na vote-buying sa lugar.
Binitbit umano ni Salvador at ng kasama nitong babae si Fuller pero nakawala matapos na makialam ang anak ng kapitan
Sa ulat, sinabing rumesponde ang mga biktima sa Barangay Patong nang makatanggap sila ng impormasyon hinggil sa nagaganap na vote buying sa lugar.
Sa salaysay umano ang isang mayoral candidate na nagkatensiyon nang may bodyguard na nakahulog ng baril saka may dumating na armadong grupo na nauwi kalaunan sa putukan.
Pahayag naman ng kabilang kampo , nang pasukin ng grupo nina Salvador ang bahay ni Fuller ay biglang may umalingawngaw na putok na nasundan pa ng sunod-sunod na putok na ikinamatay ng apat na kasamahan ni Salvador.
Sinabi ng mga pulis na mga tauhan ng tumatakbong vice mayor na si Larry Ceria ang mga biktima habang dalawa katao pa ang sugatan sa kanilang kampo.
Sugatan din ang dalawa mula sa kampo ni Favis. VERLIN RUIZ