INIHAYAG ni Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr., na apat na ang napaulat na namatay habang 60 ang nasugatan nang ugain ng magnitude 7 lindol ang lalawigan ng Abra nitong Miyerkules ng umaga.
Sa ulat ni Abalos kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang dalawang namatay ay mula sa Benguet, Abra at Mountain Province.
“Sixty [ang] injured and so far po apat ang nabalitaang nasawian ng buhay, four deaths. Of these four, two are in Benguet, one each in Abra and Mountain Province,” ayon kay Abalos.
Batay sa ulat ng PHIVOLCS, ang magnitude 7.3 lindol ay naramdaman bandang alas-8:43 ng umaga at ang lokasyon ay 17.64°N, 120.63°E – 003 km N 45° W ng Tayum sa Abra. Ito ay may lalim na 17 kilometro.
Naramdaman din ang malakas na pagyanig sa maraming lugar sa Luzon kabilang ang Metro Manila.
Sinundan pa ito ng maraming aftershocks, ayon sa local seismological agency.
“We can’t rule out the possibility of another strong earthquake,” ayon kay Renato Solidum, director ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). EVELYN GARCIA
P200-M QUICK RESPONSE FUND INILABAS NG
PAMAHALAAN
INANUNSYO ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na naglabas na ang pamahalaan ng P200 milyong pondo para ayudahan ang mga lugar na apektado ng 7 magnitude quake .
Ang nasabing pondo ay gagamitin pangsuporta sa mga local goverment units (LGUs) na mayroon nang standby fund.
Sinabi ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal na agad iniutos ng Malakanyang sa pamamagitan ni Executive Secretary Vic Rodriguez ang agarang pagpapalabas ng nasabing pondo.
Si Rodriguez ay agad nagtungo sa NDRRMC office sa Camp Aguinaldo para personal na pangasiwaan ang hakbang ng nasabing ahensiya kaugnay sa nasabing sakuna.
Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ginulantang ng malakas na lindol ang malaking bahagi ng Luzon at ang episentro nito ay sa Tayum, Abra.
Ilang gusali sa probinsya ang tumagilid at nagkasira sira, sa Benguet ilang landslide at rockfall ang naitala dahilan kaya hindi madaanan ang kalsada.
Mabilis naman rumesponde ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protecion personnel para magsagawa ng clearing operations. EUNICE CELARIO
OCD-NDRRMC NAKATUTOK SA EPEKTO NG LINDOL
HABANG binabantayan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang naging pinsala ng magnitude 7 earthquake na yumanig sa ilang lalawigan sa Norte partikular sa Abra at Benguet, tinutukan naman ni Executive Secretary Vic Rodriguez ang isinasagawang assessment ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hinggil sa nangyaring lindol na inulat na ikinamatay ng apat katao.
Kasama si ES Rodriguez nagsagawa ng kanilang damage assessment sina sina Department of National Defense (DND) Senior Usec.Jose Faustino Jr., Office of Civil Defense (OCD) Usec. Ricardo Jalad, Usec. Raymundo Ferrer, Asec. Raffy Alejandro, OCD Director Edgar Posadas at OCD Dir. Hamid Bayao sa NDRRMC Headquarters.
Sa report na isinumite ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Office of Civil Defense na magnitude 7 na lindol ang yumanig sa ilang bahagi ng Luzon dakong alas-earthquake shook parts of Luzon at around 8:43 yesterday morning.
Nabatid na tumama ang mababaw ngunit malakas na lindol sa bulubundukin bahagi ng lalawigan ng Abra, ayon sa Phivolcs. Ang mababaw na pinagmulan ng lindol ay may posibilidad na magdulot ng mas maraming pinsala kaysa sa mas malalim na epicenter ng lindol.
Kasunod nito ang pagkalat sa social media ng mga real time photos hinggil sa lawak ng pinsala ng lindol, mga collapsed buildings, nasirang simbahan, hospital at maging provincial capitol at mga unpassable roads bunsod ng lindol at landslides, damaged religious and heritage places sa lalawigan ng Abra, Ilocos Sur at .
Unang nang pinakilos ni AFP Northern Luzon Command chief Ernesto Torres Jr., ang kanyang mga area commander para magsagawa ng aerial inspection para malaman ang extent ng damages at alamin ang mga lugar na posibleng magkaroon ng mga rock and landslides bunsod ng lindol at mga inaasahang aftershocks.
Inihayag din ni Torres na inatasan niya ang kanyang mga tauhan na magtayo ng mga communication command post at makipag ugnayan sa NDRRMC . Office of Civil Defense, PNP, mga local government units at DSWD para makatulong sa mabilis na komunikasyon at mobilisasyon ng kanilang mga assets.
Pinapurihan naman ni Army commanding general Ltgen Romeo Brawner ang mabilis na pagkilos ng mga sundalo mula sa 5th at 7th Infantry Division na mabilis na nagsagawa ng kanilang Humanitarian and Disaster Response sa mga apektadong lalawigan.
Iniulat ng mga awtoridad sa Abra na ilang mga bahay at istruktura sa lalawigan ang nasira matapos ang pagyanig, partikular sa kabiserang lungsod ng Bangued at sa bayan ng Lagangilang.
Bukod sa Abra, naiulat din ang mga nasirang istruktura sa Mountain Province at Ilocos Sur,at a may mga landslide din sa lalawigan ng Benguet na naging sanhi ng power at signal interruption.
Walang naiulat na pinsala sa Metro Manila at Regions 2 at 3, gayundin sa Calabarzon at Mimaropa, dagdag ng NDRRMC. VERLIN RUIZ
QC NAGSAGAWA NG RAPID DAMAGE ANALYSIS
AGAD na nagsagawa ng pagsusuri ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QC-DRRMO) sa katatagan ng mga gusali ng lokal na pamahalaan matapos maramdaman ang intensity 4 sa lungsod kasunod ng magnitude 7 na lindol na tumama sa Abra.
Ayon sa QC DRRMO, agad na pinalabas ang mga kawani sa city hall building sa kasagsagan ng naranasang pagyanig.
At wala namang nakitang mga damages o pinsala sa gusali ng city hall, pinabalik na rin ang mga kawani sa kani-kanilang mga tanggapan matapos makapagsagawa ng comprehensive assessment sa structural integrity ng gusali.
Patuloy na nakikipag-ugnayan sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCs) ang QC DRRMO para ma-monitor ang posibleng mga aftershocks.
Pinakilos na rin ng DRRMO ang mga barangay na magsagawa rin ng kanilang sariling assessments sa mga local government buildings bago pabalikin ang mga nagtatrabaho roon. EVELYN GARCIA