4 PATAY, 7 SUGATAN SA SAGASA NG SUV

CAGAYAN- APAT katao ang nasawi habang pito ang sugatan sa naganap na karambola ng 3 sasakyan sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Ipil, Gonzaga sa lalawigang ito, Sabado ng gabi.

Sa nasabing aksidente, idineklarang dead on arrival sina Velvet Geron at Donato Barsatan at namatay naman habang ginagamot sa APEW Hospital ng Gonzaga sina Matinet Barsatan at Prince Barsatan.

Ayon sa PNP Gonzaga, hindi umano namalayan ng driver ng SUV na ang sinusundan na tricycle ay nakahinto upang bigyang daan ang kolong kolong na may laman walo katao.

Dahil sa mabilis na takbo ng SUV sa one way na kalsada ay sinalpok nito ang tricycle at kolong kolong na siyang ikinasawi ng apat katao at ikinasugat ng pito.

Agad naman sumuko sa PNP ang driver ng SUV na si Rodolfo Batin, 56-anyos na taga Quezon, Isabela habang nilalapatan ng lunas sa isang pagamutan ang mga sugatan sa aksidente. IRENE GONZALES