KALABOSO ang bagsak ng apat na tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) makaraang maaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) matapos na manggulo at manghipo umano ng waitress sa Bamboo House restaurant na nasa compound ng Philippine National Press Club, Magallanes Drive, Intramuros, Manila noong Lunes ng gabi.
Sumailalim sa imbestigasyon ng MPD – General Assignment and Investigation Section, ang mga suspek na sina PO3 Ronaldo Teves, SN2 Christopher Omalsa, at SN 2 Rodolfo Boltron III, ASN Ricky Alapan na pawang nakatalaga sa PCG Manila.
Nabatid na dumating sa restaurant ang apat pasado alas-7 ng gabi para uminom.
Nang malasing ay naging makulit na umano ang mga suspek hanggang sa dumating na ang closing time at kinailangan na silang singilin ng kanilang mga inorder ngunit ikinagalit pa umano ng mga ito.
Maging ang isang guest ay napagdiskitahan pa ng isa sa suspek at sinabihang “siga ka ba dito?”
Dalawang waitress naman ang hinipuan sa dibdib at puwet ng isa sa suspek saka pinagmumura dahilan upang tumawag ng responde ang manager ng restaurant.
Nag-astang walang modo ang mga suspek at ibinato pa ang ibinayad nilang P3,000 na kulang pa sa dapat sana nilang bayarang bills.
Samantala, tiniyak naman ni PCG Spokesman Commander Armand Balilo na hindi nila kukunsintihin ang mga lasing at nanggulo nilang tauhan sa Bamboo restaurant.
Nagbigay na rin ng hudyat o abiso si Balilo kay NPC Director Armand Balilo na tuluyang kasuhan ang nasabing mga abusadong PCG personnel. PAUL ROLDAN
Comments are closed.